Usapang pag-ibig.
Nakakatawa na ewan.
Hindi naman kasi big deal sakin to sa past 3 years e. :)) Ba man bitter daw ako kung di ako papasok bukas. :)) May sakit ako ~ Pero grabe siguro isang reason na din yun. Wala naman kasi kaming quiz makakaabsent ako pero di naman ako magkakafeel ng something special bukas. Anubeh. May sakit pa man din ako. Para ang bigat sa kalooban ko pumasok. :))))
Sa buong 4 na taon ko sa RC, wala akong valentine. Di ko kailangan yon. Wala yun sa calendar ko. Pero grabe di ko akalain na hanggang sa lastyr ko pala. I mean nakakatanggap naman ako sa past years. Binibigyan ng guy lahat ng classmate nya girls. Pero yung tinutukoy ko eh yung tipong ako lang yung special someone nya. Nakakatawa yung ang rami pala akalang kayo, eh hindi naman kayo. Tuwing sinasabi kong wala akong someone walang naniniwala. Anubeh. Lalong nakakahurt kung iieexplain ko pa sa mga ayaw maniwala e. Kasi naman tong bestfriend ko e. Hmp. Naalala ko pa tuloy. Inaasar akong foreveralone. Tss. K. Kayo na taken at masaya. Malapit na nga akong hindi maniwala sa pag-ibig na yan ee. :)) Grabe yung mga napagdaan ko. Tuwing naiimagine ko, natatawa ako na ewan. Yung tipong right love at the wrong time? HAHAHA. Gusto nyo isa’t isa pero bawal? Dati gusto ka nya ayaw mo sa kanya, nung gusto mo na ayaw na nya. Tsaka niya narealize worth mo nung taken na siya. Mga ganyan lang naman. Marami pa talaga. HAHAHA. Lahat na yata nagampanan ko na. First love, first heartbreak, tulay, tulay na kami nagkatuluyan, nakaaway ang bestfriend dahil sa lalaki, naging kabit, naging panakip, rebound kung anu-ano pa. Grabe. Daig ko pa wonder woman. Nabansagan na ngang malandi e. Nako. Haha! Grabe kung malandi ako rami ko nang boyfriend. Palit every minute! Pero seryoso, ako iba ako magmahal.
Ako yung close sa mga lalaki, may mukha naman daw ako, mabait, ilang lalaki na daw nagdaan sa buhay ko, ilan na yung nanligaw, ilan na din yung nagustuhan ko pero di pa din talaga ako nagkaroon ng boyfriend. Sabi ng bestfriend ko e ayaw ko daw maging committed. Eh hindi naman e lagi kasing may nagagawa yung lalaki na ayaw ko kaya biglang nawawala. Tuwing malapit ko na siyang sagutin o kaya pag nakuha na niya yung trust ko e bigla kong malalaman tinutwo time ako, magsisinungaling, hindi seryoso. Mga ganon lang naman. Meron naman dati swak na swak na. MU yata kami kung tatawagin? Gusto ko rin naman siya e. Manliligaw nalang sa bahay, may naging problema pa. Nako. Ewan ko din talaga. Wag niyo ako tanungin kung bakit wala akong boyfriend. :))) Malapit na talaga yung paniniwala ko sa pag-ibig na yan. Pero natatawa padin ako. :))
-
ajejeju liked this
-
shechosetobehappy posted this